Thursday, May 21, 2009

‘Inay, may Pezbuk na me!’






Dear Inay,

Ngayong umaga, sumali na ako sa Pezbuk! Ang saya saya ko! Hihihi!

Pero wala pa akong prens. Huhuhu!

Gusto nyo bang maging pren ako? Punta lang kayo dun sa grup ng Good Times Manila sa Pezbuk.

Para makapunta ng Pezbuk, i-goggle nyo na lang. Pero kung wala sa goggle, try nyo sa yoohoo! Basta madali nang hanapin yun, inay! Hihihi!

(Salamat pala ke Star na nagpasimuno ng lahat at sa mga nag-join na sa grup. Tats ako. Huhuhu!)

Sige na, Inay, join ka na rin. Hihihi! Masaya ito. Mwaaah!

Labs, Diego
__________________________________________


Dear Anak, lekat na batang ito. Paano naman ako makaka-pezbuk-pezbuk na yan, e wala namang enternet dito sa barong barong natin!?!

At isa pa anak, hindi mo ba naisip na wala naman tayong kompyuter! Wala na nga tayong kuryente kasi naputulan kahapon tapos pa-pezbuk pezbuk ka pa dyan!

Gusto mo bang ingudngod ko sa putik yang pez mo!

At anak, tumigil ka na plis lang sa pagbababad dyan sa enternet kafey at inuubos mo lang ang alawans mo dyan!

Taragis na batang ito kala mo kung sinong sosi e iskwater naman.

Labs, Inay


http://goodtimesmanila.com/

No comments:

Post a Comment